Thursday, September 4, 2008

Impyerno para sa akin........

Malalim na ang gabi,.....pero heto ako at nakatitig parin sa kawalan.Walang maaninag na ningning sa kalangitan,kasabay ang nakabibinging katahimikan.Sa gitna ng kadiliman taglay ko ang bigat ng kalooban. Pilit ko mang paglabanan ang kalungkutang bumabalot sa aking katauhan, ako'y walang sapat na tatag upang ito'y mapagtagumpayan.Pag-agos ng luha sa aking mga mata'y di ko din mapigilan, maging ang hulagpos ng hikbi sa aking lalamunan.....Ako'y sadyang nagugulumihanan, bakit ba patuloy ang aking pagdaramdam gayung matagal ng nakalipas ang mga kaganapan.
Sa isang sulok ng aming bahay, ako at ang mga kapatid ko'y nanginginig sa takot at nag iiyakan,wala kaming magawa kundi panoorin lamang ang pagtatalo ng aming mga magulang.Ang buong kabahayan ay nababalot ng kalungkutan,sigawan, at iyakan! Nais ko silang pigilan ngunit wala akong lakas ng loob para kumilos at mamagitan....
Noon, sa aking murang isipan ay di ko lubos maunawaan kung bakit kailangang sila'y magkasakitan,,,,,di ba't ang mag-asawa'y dapat na nagmamahalan??? ang aking katanungan.
Sa gabi-gabi na ginawa ng Diyos ay ganoon ang eksena sa aming tahanan,,,uuwing lasing na lasing si papa tapos aawayin si nanay....walang katapusang away! walang katahimikan!
Pakiramdam ko, pinagkaitan kami ng Pagpapahal. Kung minsan nga'y ang Diyos ay aking tinatanong" Bakit di mo nalang kami hinayaang mamili ng pamilyang nais namin?" Nalalaman kong mali ang ayawan ang kung ano ang ipinagkaloob sa iyo pero anung magagawa ko, nais ko lang naman ay isang tahimik na pamilya....mali bang maghangad nito???
Ang pangyayaring ito sa aking buhay ay maituturing kong isang IMPYERNO.....na magpasahanggang sa ngayo'y nagdudulot sa akin ng sakit sa tuwing magbabalik sa aking gunita. Kahit matagal ng naganap ay nananatiling sariwa ang mga sugat na iniwan nito sa aking katauhan.Ngunit di tulad ng dati, mas malalim at mas malawak na ang pag unawa ko sa mga bagay bagay na nanyayari sa aking paligid at maging sa mga taong aking nakakasalamuha.
Tunay ngang di lahat ng naisin mo'y mapapasa iyo ng daglian. Ito'y nangangailangan ng tiyaga, pagsusumikap, katatagan at higit sa lahat pananalig sa Poong Lumikha. darating ang araw, pasasaan pa't makakamit mo rin ang tagumpay! Huwag nating hayaang bumagsak tayo sa kadiliman, Impyerno ng ating buhay ay bigyang kulay!!!!